Jeep Observations
Yung mga green na bilog, tingin ko yun yung mga pinaka-dabest na pwesto na pwede upuan sa Jeep. Yung mga orange okay lang, yung mga red pinakapangit

1. Pinakamadali bumaba sa green. Pag dun sa red, naku bago ka makababa kuba ka na at sangkatutak na paa na ang natapakan mo lalo na kung yung nasakyan mong jeep eh sampuan
2. Sa Makati kasi ewan ko ba bakit ayaw nila mag-abot ng bayad. Pag dun ako sa orange o sa red di ko mapigilan mag-abot ng bayad kasi syempre mabait ako, kaya pag nag-abot ako ng isang beses buong trip ako na taga-abot. Kaya ayoko dun masyado. Pag sa green isang beses ka lang magpapaabot ng bayad, yung sarili mong pamasahe
3. Pag sa green maliit ang chance na masiksik ka lalo pa pag medyo matataba yung sumakay pero pinagpipilitan parin ng conductor magsakay ng pasahero. Pag sa orange/red malaki chance na ikaw yung masisiksik o kaya yung kalahati lang ng pwet mo nakaupo